hinaing ng taong kaharap ko sa salamin

minsan nakakita ako ng tao sa salamin, siya'y nangungusap, nagbabago, gumagalaw katulad ko, ngunit meron siyang atungal... pakinggan nating pareho

batas na pulpol

0 sigaw
Napalunok ako nang marinig ko iyon, hindi ko napaghandaan. Iisipin ko
ba na <proper noun> iyon? Nangilid ang luha aaminin ko. Pumunta ako ng
banyo, naghugas ng kamay. Matagal. Sana di ko na lang nakita. Sana
hindi ako. Sana. Saan na pupunta?

suot

0 sigaw
Ayoko man lang magsabi ng kahit na ano tungkol sa suot ng mga tao. Sa baliktad na rason na dapat din di sila magsabi ng kahit na ano man sa akin.

Ayokong isipin na di nila iniisip ang mga sinusuot nila. Ayokong isipin na pangit ang pili ng mga damit. Lumabas sila ng bahay sa pagaakalang eto ang pinakamagarang suot na gamit nila. Tama, iyon ang pinakamagandang suot sa desisyon nila na bagay sa pupuntahan at okasyon. Wala ako sa posisyon para tanungin ang mali sa suot ng tao.

Wala sinuman ang may posisyon na tanungin ako sa suot ko, pangit man, eto ang angkop sa pupuntahan ko at sa okasyon. Walang dapat ngumiti man lang sa desisyon.

sakit

0 sigaw
Tagal ko na rin na nararamdaman to. Isang buwan at apat na araw. minsan o di lang minsan ko na rin hinamon ang akalang kong matibay ko nang paniniwala. Mali. Oo, mali ang tanungin man lamang eto pero kung ikaw, oo ikaw na nasa salamin na di nakakaramdam ng nararamdaman ko, siguro mali na gawin ko sa isip mo. Maling nagawa ko. Mali na natapos ko nang gawin. Mali na natapos ko nang itanong.

Di Siya sumagot, pagal na siguro sa mga panalangin ko. Pagal sa mga hinaing, pagal sa pang hihingi, pagal na sa akin. Umasa pa rin ako nang itanong ko iyon. Para lang wag kong labanan ang paniniwala kong nahati sa dalawa. Isang pumipigil sa pagtatanong, at isang naghahanap na ng kasagutan, sa isang lunas. Marahil mali, mali ang mga nagawa ko. Mali ako. Ako ay isang mali.

Bumuti na rin ako, sa pagkakaalam ng di manggagamot kong ulo. Siguro tumulong na rin siya. Kasama ang mga mahal na antibayotikong pinabili ng doktor sa akin para yumaman ulit ang mga gumawa nito. Mahal at di ko nakayanang bilhin ang lahat. Anim sa sampung pinabili lang, kapus na ako. Gumamit na ako ng mas murang pamalit. Mas murang lunas na siguro na rin ay nakatulong. May tanong ako sa galing nito, may duda.

Sana rin ay makalakad pa rin ang baliko ko nang tuhod. Makalakad para sa aking pamilya, para sa aming anak. Para madugtungan ang buhay ko pa, ang buhay niya at ang buhay niya.

Naniningil kaya siya? Kasi kung oo, eto na kaya iyon?

Nag-aasam pa rin ako na gumaling. Umaasam sa isang lunas. Kailan? Ewan.

de lata

0 sigaw
Na naman. Eto ang sinabi ko kanina. Kanina nang nagbukas na naman ako ng lata.


tuhod

0 sigaw
Isang araw na naman ang lumipas. Etong araw na to pumasok pa ako. Madaling araw na kanina masakit pa rin ang paa ko, walang magawa kundi pumasok. Sa susunod na araw makakasahod na. Malamang mapagamot ko na to, sana.

Nakalakad pa ako papasok, masakit oo, pero natitiis. Ngayon sobrang sakit na ng kaliwang tuhod ko, pagtayo man di na mabaluktot. Sana matapos na 'to. Sana mayroon nang solusyon.